Post has #3 Gen AI images
Gawing Mahusay ang Resulta ng Pag-WFH sa Panahon Ngayon
Maaring Makaapekto sa Husay ng Bawat Working-from-home
- Mga adjustments na dapat gawin sa pagbabago ng klima
- Posibilidad ng pagkakaroon muli ng isa pang pandemic
- Pagbabago sa environment dulot ng pollution at global warming
- Ang pagdami ng population sa Pilipinas at mundo
- Mga bagong sistema sa trabaho at buhay dahil sa AI
Bagaman maaring makaapekto ang mga ito sa trabaho at buhay ng Pilipino ngayon, ang madaling maka-adjust at maka-adapt ang tanging mga paraan para maging mahusay pa rin ang paghahanapbuhay nang mga Pilipino.
Iba't-ibang work arrangements ang pwedeng gawing paraan at pasukan ng bawat Pilipino ngayon:
- employed
- onsite: kailangan pumunta ng empleyado sa office ng kanyang trabaho
- remote: kahit saang lokasyon pwedeng magtrabaho ang empleyado
- hybrid: flexible ito, pwedeng combination of onsite or remote
- work-from-home: nagtatrabaho ang empleyado sa kanyang bahay gamit ang laptop at mobile phone
- marami pang ibang mas flexible work arrangements ang pwedeng pasukan in terms of time, location, number of working days, at iba't-iba combination ng mga ito na ayon rin sa pangangailangan ng management ng kumpanya
- self-employed
- freelancing: mga online jobs na per project or part-time
- MSME: negosyo na pwedeng WFH, merong physical store, e-commerce store or combination of both
Ang basic na kaibahan ng employed at self-employed ay pagkakaroon ng corporate employer para sa employed, at ang "being your own boss" para naman sa self-employed. Piliin ang ayon sa kakayahan at sitwasyon ng buhay.
Umunawa, Magpasya, Magplano, at Kumilos
Marami ang na-caught off-guard noong nagka-pandemic. Ito yung mga hindi nakapagplano sa anumang unexpected na disruption na pwedeng mangyari. Ayon sa Wikipedia, as of October 13, 2024, merong total na 4,173,631 cases ng Covid-19 at 66,864 Covid-19 deaths sa Pilipinas. Kahit natapos na ang Covid-19 pandemic sa mundo, at mahina na ang infection rate sa bansa, nag-iwan ng mahalagang aral at karanasan ang Covid-19 sa bawat Pilipino.
Kaya ang importante, "laging handa" para proactive ang approach. Merong slight advantage ang WFH dahil madali ma-mobilize ang pamilya kung merong disruption. Ayon kay Mr. Bill Gates, maaring magkaroon muli ng isa pang pandemic dahil sa climate change at overpopulation.
At binanggit rin niya na maari magkaroon ng:
- "climate disasters"
- devastating cyberattacks
- "a major war"
Kung ang source of income ninyo ay WFH job (full time or part time) or MSME na WFH rin, madali maka-respond sa anumang disruption dahil kasama na ninyo ang inyong pamilya (at alagang hayop), at madali ng ihanda ang mga mahahalagang kagamitan at importanteng papeles. Kailangan ring unawain ng husto ang sitwasyon ngayon, magpasya at magplano para handa sa anumang disruption, at kumilos kung kailangan ng kumilos.
Di naman kailangan na masyadong mabahala ang bawat Pilipino, dahil nandito rin naman lagi ang mga ahensya ng gobyerno na handang tumulong sa bawat pamilyang Pilipino. Sundin lang ang kanilang mga panuntunan sa pag-evacuate o paglikas.
Tips para maging mahusay pa rin ang inyong WFH sa panahon ngayon
- 1. Mag-focus ng husto sa trabaho. Malaking katipiran sa time, sa commute at pagbili ng pagkain ang WFH
- 2. Balansehin ng husto ang dami at laki ng trabaho sa healthy lifestyle
- 3. Ayusin ng husto ang workspace para mas organized at productive ang resulta
- 4. Keep connected rin sa mga ka-trabaho sa time ng trabaho
- 5. Maging disiplinado sa lahat ng bagay lalo na sa pag-manage ng oras, kalusugan at lakas
- 6. Kunin ang oportunidad ng WFH para maka CREATE-more ng positive results sa career at trabaho
- 7. Mag-open ng LinkedIn.com account para dumami ang oportunidad sa professional, tama at mabuting koneksyon sa trabaho
- 8. Kung kailangan pa ng isang part time job o bagong trabaho, nandoon rin ang mga de-kalidad na trabaho at kumpanya sa LinkedIn.com
- 9. Huwag makalimot na mag-like, mag-comment, mag-post or mag-repost rin sa LinkedIn. Bawat engagement (like, comment, post or repost) sa loob ng social network ay malaking pakinabang rin sa ikauunlad ng lahat sa LinkedIn.
Meron mga statistics na nagpapatunay na effective ang WFH sa Pilipinas ngayong panahon. Ito ang sinulat ni Vilma Estrallado sa kanyang article:
"More than half of Filipino workers (52%) have been working from home for years now, based on a study joined by JobStreet. It spiked to 85% during the COVID-19 pandemic as part of their flexible work arrangements." - Learn more
Final tip: Patuloy na pagsasaliksik ng impormasyong may kaugnayan sa iyong career o trabaho
Anuman ang career o trabaho na ginagawa ninyo ngayon, ang importante ay patuloy pa kayong nagsasaliksik sa ikauunlad ng inyong career. Ang madalas na banggitin ukol rito ay yung sinasabi nilang "lifelong learning". Panoorin itong maikling YouTube video ni Mr. Warren Buffett at the late Mr. Charlie Munger. Itinataguyod nila ang kahalagahan ng lifelong learning.
Ang isa pang mahalagang report tungkol sa statistics ng WFH sa konteksto ng buong mundo ay yung report ng ADBI (Asian Development Bank Institute), June 20, 2024. Sa isang YouTube video na 59:28 minutes, tinatalakay ni Mr. Nicholas Bloom, isang Professor of Economics ng Stanford University ang future ng WFH. Binibigyan niya ng mga datos at analysis ang WFH:
- sa pagbabago ng mga buhay,
- kung paano naaapektuhan ang mga ekonomiya at negosyo,
- at kung paano pa nito mababago ang mga lungsod.
- Learn more
Citations
- Take Urgent Action to Combat Climate Change and Its Impacts, Learn more
- Future Effects of Air Pollution - How Contamination Will Affect the World? Learn more
- The Next Pandemic - When Could It Be? by Chatham House, Learn more
- The World Counts: Effects of Overpopulation, Learn more
- How Will Artificial Intelligence Affect Jobs 2024-2030, Nexford University, Learn more
- Create-ing More Through Work-From-Home, by Clyde R. Mosquera, Learn more
- Major Pros and Cons of Working From Home in the Philippines, Learn more
- Work from-home setup boosts productivity, promotes inclusivity — Jobstreet, Learn more
Back to top
Comments
Post a Comment
Send in your messages, comments or inquiries.