#2 Gen AI images in this blog post
How to Leverage AI to Advance Career or Business Goals
Artificial Intelligence Para sa Hanapbuhay
- Paglikha ng Gen AI text, images, video o audio (Creative tasks)
- Para sa mas specialized na pag-analyze ng text or data (Analytical tasks)
- AI para makagawa ng mahusay na resumé o curriculum vitae (Job seeking tasks)
- Para sa mas mabisang business service or project management (Time & task management)
1 Creative tasks:
Mabilis ang pag-unlad ng technology ngayon. AI ang nasa forefront, at malakas ang impluwensiya nito sa maraming aspeto ng hanapbuhay. Ang Gen AI, o generative AI, ang madalas gamitin ng mga sumasabak sa content creation: paglikha ng text, images, videos o audio presentations. Di na mahirap makalikha ng anumang creative task sapagkat maraming Gen AI apps ang nasa market ngayon. Karamihan ay free, pero meron mga paid packages na mas maraming features at functions sa paglikha. Example ng mga AI at Gen AI apps:
- Adobe Express
- YouCut Video Editor
- Google Gemini
- Microsoft Copilot
2 Analytical tasks:
Minsan kailangan ng mas specialized o masusing pag-analyze ng text o data. Mayroong mga Gen AI tools na maaring i-upload ang mga sariling work or business files, URLs o videos na kailangang pag-aralan. Mas focused naman ang results at responses na ma-lilikha ng mga Gen AI tools na ito. I-apply lang yung tinatawag nilang prompt engineering para ma-obtain ang desired at specific outcomes na kailangan i-process sa mga inputs - kagaya ng insights na kailangan para ma-attain ang isang business goal. Ang prompt engineering ay pwedeng pag-aralan. Madali lang ito. Example ng mga Gen AI apps na pwedeng gamitan ng prompt engineering at analysis.
- NotebookLM
- TextCortex.com
3 Job-seeking tasks:
Ang mahalaga sa anumang job-seeking task ngayon ay ang paggawa ng isang mahusay na resumé or curriculum vitae. Dapat rin alamin ang difference between resumé at curriculum vitae. Ang resumé ay mas maiksi, isang one-page summary ng inyong professional experience at skills para sa isang trabahong pinili sa pag-apply. Ang curriculum vitae naman ay mas detalyado at comprehensive. Nandito nakaprint ang iyong buong academic and professional history. Madalas itong kailangan for academic or research positions. Maraming online website ang makakatulong sa pag-format ng inyong resumé or curriculum vitae. Ilang example ay ang mga sumusunod:
- Google Docs
- Livecareer.co.uk
Kung meron kayong LinkedIn account at nakagawa ka ng work profile doon, merong capacity ang LinkedIn na i-convert ang profile sa isang resumé in .pdf format. Sa Livecareer.co.uk naman, talagang pang-professional na position ang inyong tinutumbok para sa paggawa ng resumé o curriculum vitae doon. Ang Google Docs at LinkedIn ay free service. Ang Livecareer naman ay paid service pero affordable sa anumang job position na tina-target ninyo.
4 Time and task management:
Alam ng mga experienced small business owners na mahalaga ang oras sa pagpapatakbo ng negosyo. Kaya para mas efficient at di sayang ang oras sa business operations, merong available ngayon na task management system para mas streamlined ang lahat ng tasks o project ng negosyo. Malakas ang advertisement nila noon sa YouTube.com. Ito ay ang Monday.com. Meron silang free trial period bago ka mag-decide kung anong type ng subscription ang pipiliin ninyo. Very user-friendly at attractive ang interface ng kanilang project or customer management system for all scheduled tasks.
Ang bagong trend ngayon: Polyworking
Lingid sa kaalaman ng marami ngayon sa workforce ay yung trending ngayon online: polyworking. Di pa masyado nag-trend ito sa LinkedIn pero meron isang article na nagsaad na ito ang maaring maging trend sa workforce sa buong mundo. Dahil sa experience ng pandemic, marami ang nag-WFH. At dahil sa work arrangement na ito, marami ang natuto ng self-discipline na kailangan ng polyworking. Sa madaling salita, ang polyworking ay ang pagtrabaho sa maraming klase ng trabaho.
Ayon sa isang article na sinulat ni William Arruda sa Forbes.com, ito ang statistics ngayon ng polyworking sa mundo:
“Almost half (46%) of workers are polyworking with a side hustle or additional job, and a further 36% plan on starting one in the future,” according to Owl Labs.
Ito ay madaling gawin ng mga Pilipinong nag-WFH. Maari silang mag-umpisa ng isang small business na home-based, tapos dagdagan lang ng isa or dalawang part-time jobs na remote. Ang kailangan dito ay malakas na self-discipline at responsible use ng Gen AI para magtagumpay ang mga trabaho sa polyworking. Madali rin naman magkaroon ng self-discipline kung ang tinutumbok ninyo sa buhay at trabaho ay yung nakabuhay sa tao noong panahon ng pandemic: work life balance.
Kabuuan:
Nasa AI at Gen AI ang progress at kita ng mga trabaho at negosyo ngayon. Ito ay maaring i-apply sa lahat ng:
- Creative jobs
- Analytical jobs
- Job-seeking tasks
- Time and task management projects
Ito ang mga basic tasks na kailangan gawin sa anumang mga career sa polyworking. At madali rin ang polyworking ngayon dahil sa AI adoption ng maraming klase ng trabaho o negosyo. Bukod sa increased income at job security na kikitain sa polyworking, mas marami pang oportunidad na matuto ng iba pang skills na mahalaga sa panahon ngayon. Basahin ng mabuti at pag-aaralan ang article ni Mr. William Arruda para malaman kung ito ang tamang direksyon ng inyong paghahanapbuhay sa panahon ngayon.
Kung mayroon kayong LinkedIn account, maari kayong magtanong ng anumang concern para sa inyong trabaho o small business. Search for Dennis Cabrera sa LinkedIn.com at mag-send ng message.
Citations
- Generative artificial intelligence, Wikipedia.org, Learn more
- "Why Polyworking is the Future of Work and How to Become a Polyworker" by William Arruda, Learn more
- Responsible AI Practices, Learn more
Check the 5 most recent posts of the Blog
Back to top
Comments
Post a Comment
Send in your messages, comments or inquiries.